Pumayag si UFC at MMA legend Anderson Silva na harapin Julio Chavez Jr sa isang boxing match. Magtutuos ang dalawa sa “Tribute to the Kings” sa June 19 sa Jalisco Stadium sa Guadalajara, Mexico.
Ang cross-over fight na ito ay showdown ng South-American natives. Si Chaves ay mula sa Mexico. Si Silva naman ay sa Curitiba, Brazil. Si Silva ay itinuturing na isa sa mahuhusay na MMA fighter.
Siya rin ang longest reigning middleweight champion sa UFC. May record siyang 34 wins at 11 losses, 23 knockouts.
Ang kanyang boxing record ay 13-1. Samantala, si Chavez Jr naman ay may record na 52-5-1, 34KO’s).
“I am extremely happy for the opportunity to test my boxing skills with Julio César Chávez Jr. “ani Silva.
“I have rededicated myself to the sport I love and I will be ready to face anyone in the Light Heavyweight division starting with Silva,” wika naman ni Chavez Jr.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo