November 23, 2024

Central office ng LTFRB pansamantalang isinara dahil sa disinfection

PANSAMANTALANG isinara ang central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong araw ng Lunes, Hunyo 29, para sa disinfection matapos magpositibo ang isa sa kanilang mga tauhan sa COVID-19.

Ayon sa LTFRB nagsagawa sila ng rapid testing para sa 313 empleyado, security, at mainternance personnel noong nakaraang linggo.

Nagkataon na ang temporary closure ng LTFRB ay isinabay sa araw kung saan pinayagan ng makapagbalik-operasyon ang UV Express.

Dahil sa temporary closure, sinabi ng LTFRB na maraming serbisyo ang maaapektuhan:

  • 24/7 Public Assistance Complaints Desk 1342
  • Inquiries on legal matters
  • New Application for CPC
  • Application for Extension of Validity
  • Petition for Dropping and Substitution of Units
  • Petition for Dropping of Units
  • Petition for Installation of Advertising Sign
  • Application for Consolidation of Cases
  • Petition for Change Venue of Registration
  • Petition for Adoption of Trade Name
  • Petition for Storage of Unit Plate
  • Petition for Upgrading/Downgrading of Units
  • Petition for Cancellation of Franchise
  • Petition for Withdrawal of Application
  • Petition for Adoption of Color Scheme
  • Application for Change of Party Applicant
  • Request for Garage and Unit Inspection
  • Surrender of Plates
  • Clearance of Account
  • Assessment of Fees
  • Re- Assessment of Fees
  • Releasing of Assessment of fees
  • Issuance of Special Permit
  • Clearance and Releasing of Impounded Vehicles

Kaugnay nito, hinikayat ng LTFRB ang public na mag-transact online sa mga sumusunod:

1. Request for Special Permit;
2. Correction of Typographical Error;
3. Request for Confirmation of Unit/s;
4. Request for Franchise Verification;
5. Request for Issuance or Extension Provisional Authority;
6. Legal Concerns/Query on Hearing Schedule, Status.

Sa nasabi ring advisory, nilinaw ng LTFRB na tanging central office lamang ang pansamantalang isinara, habang ibang opisina ng ahensiya ay bukas.