Metro Manila – Para sa ikaapat na pagkakataon ngayong buwan, nabasag ng bansa ang all-time high record nito para sa bagong kaso ng COVID-19 matapos tamaan ang 8,773 pang katao ng nasabing virus.
Sa ngayon ay umabot na sa 693,048 ang may COVID-19 na may 14.4% o 99,891 aktibong kaso.
Nasa 95% sa aktibong kaso ay may mild symptoms, 3% ay walang sintomas, 0.8% ang nasa kritikal na kondisyon, 0.8% ay severe cases at 0.44% ang nasa moderate condition.
May 574 na pasyente naman ang gumaling na para sa kabuuang bilang na 580,062. Samantalang 13,095 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw matapos madagdagan ng 56.
Ayon sa DOH, mayroong 36 duplicate cases ang inalis sa total case count, at may pitong pasyente na dating nakalista na gumaling ang inilipat sa hanay ng mga pumanaw matapos ang isinagawang final validation
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY