December 24, 2024

500K hanggang 1 milyong Pilipinong target na mabakunahan every week, mainam

Magandang araw mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Kaugnay sa aksyon para masugpo ang COVID-19, isang plano ang gagawin para rito.

Target ng ating gobyerno na mabakunahan ang 500,000 hanggang sa 1 milyong katao. Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., gagawin ito kada linggo. Wow!

Magsisimula ito sa buwan ng Abril at Mayo. Ang vaccine na ituturok ay Sinovac, Sputnik V, AstraZeneca, Moderna at Novavax.

Maganda po ang plano, ano po? Ga gayun ay maalis ang banta ng COVID-19. Tungkol dito, mga Cabalen, maisasagawa raw ito kapag nakuha na ang vaccine sa second quarter.

Mula sa nabanggit na istatistika, 21.71 percent ng babakunahan ay ang 1.7 milyong health workers sa bansa. Ito raw kasi ang AI priority ng vaccination program.

The rest ay sa piling population demographics na ilalaan. Ang  mga kabilang sa priority list ay ang mga senior citizens, mga propesyunal na nasa risks tamaan ng virus gaya ng mga guro at iba pa.

Ang tanong rito mga Cabalen, papaano ang mayoryang bilang ng payak na Juan De La Cruz?

Mabibiyayaan ba sila ng bakuna. Sinasabi kasi ng iba na ang nasabing demograpiya ang siyang nagbibigay ng maraming kaso ng sakit.

Mga pasaway daw kasi ang iba. Hindi naman, di po ba? May dahilan po kasi yan. Pero, hindi naman natin kinokunsenti ang mga pasaway.

May iba naman na kahit may bakuna na, walang tiwala sa vaccine. Bakit? Kasi, kung kelan nandyan na, saka sumipa uli ang bilang ng kaso ng sakit.

Pero ang iba, unahan sa pila. Well, kanya-kanyang opinion yan. Harinawa ay mabakunahang lahat ang target na kabuuang 70 milyon sa bilang ng populasyon ng bansa. Sa gayun ay maging maayos na ang lahat.

Dapat magkaroon ng epektibong kampanya at awareness ang gobyerno tungkol sa benepisyo ng pagbabakuna. Sa gayun ay mawala ang pagdududa rito ng karamihan.