Inahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na may sampung kumpirmadong kaso ng B.1.1.7. o UK variant ng COVID-19 sa lungsod at isa naman ang merong B.1.351 o South African variant, ayon sa pinakahuling report ng Department of Health.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa mga barangay na may ganitong mga kaso ang Brgy. Bagumbayan South, Daanghari, Navotas East, Navotas West, NBBS Kaunlaran, San Jose at Sipac Almacen.
Lahat aniya ng mga pasyente ay naka-isolate na at ang kanilang mga close contacts ay natukoy at naka-isolate na rin.
Sabi ng alkalde, ang mga variant na ito ay mas madaling naipapasa kaya maaaring isa ito sa mga sanhi ng mabilis na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod kaya’t kailangan aniya ang dobleng pag-iingat.
“Kung bata pa at malakas ang katawan, hindi man natin iindahin ang sakit kung tayo ang mahahawaan, maaari namang severe o critical ang epekto nito sa ating mga mahal sa buhay na matatanda na o may sakit”, ani Mayor Tiangco.
“Protektahan natin ang ating kalusugan dahil kaugnay nito ang pagprotekta natin sa ating kabuhayan. Kailangan natin ang malusog na pangangatawan para makapaghanapbuhay para matustusan ang pangangailangan ng ating pamilya. Mag-ingat po at sumunod sa safety protocols para hindi mahawaan o makahawa sa iba,” paalala ng alkalde.
(30)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY