November 24, 2024

46TH SEASON NG PBA SA ABRIL, NALAGAY SA ALANGANIN DAHIL SA PAGSIPANG MULI NG COVID-19 CASES

Dumanas ng setback ang PBA sa bid na ilarga ang 46th season sa susunod na buwan. Ito’y matapos ipatupad ang mga bagong regulasyon sa quarantine sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ang plano upang simulant ang bagong season sa Abril 18 sa Ynares Center sa Antipolo City ay maaaring maantala. Ang Rizal kasi ay isa sa tatlong mga lalawigan na inilagay sa ilalim ng GCQ simula Marso 22 hanggang Abril 4.

Ayon kayPBA Commissioner Willie Marcial, positibo ang usapan nila ni Rizal Governor Jun Ynares hinggil sa posibleng PBA games sa Antipolo.

Ang Ynares Center ay pinagdarausan ng laro noong pre-pandemic times. Gayunman, ipinagbabawal sa GCQ areas ang laro. Rason kung bakit tinanggihan ni Marcial ang posibilidad na payagan sila ng Inter-Agency Task Force na maglaro sa metropolis.

Sinabi din ni Marcial na ang pagbubukas ay maaaring ilipat depende sa sitwasyon. Habang hindi pa naghahanap ng iba pang venues, tinatalakay na ang isyu dahil sa Rizal government.

Ani Marcial, maayos ang usapan kaakibat ang mga bagong regulasyon kung matutuloy ang PBA games doon.