Hindi na muna makalalaro si Petro Gazz Angels import Janisa Johnson sa mga upcoming PVL games. Lalo na sa Reinforce Conference.
Si Johnson, isa sa most enigmatic guest players ay nakikipaglaban sa cancer. Nahayag na ang former import din ng Bali Pure ay na-diagnosed sa colon cancer.
Kasalukuyang nasa Poland si Johnson. Kung saan ay naglaro siya sa Radomka sa Tauron League. Siya ay 29-anyos na sa ngayon.
“Because of a serious health issue, I am no longer allowed to play the rest of the season.”
“I would love to be on the court of course but because of my health concerns, I have to do everything to get healthy so that I am able to get back on the court next season,” ani Johnson sa video na pinost ng kanyang team sa Twitter.
Si Johnson ay produkto ng California State University. Nagdebut siya sa Premiere Volleyball League noong 2018. Kung saan, umalalay siya sa BaliPure-NU Water Defenders.
Makalipas ang taon, sumalang siya sa Petro Gazz kasama si Wilma Salas. Binuhat nila ang Angels sa unang championship nito laban sa Creamline Cool Smashers. Hinirang din siyang 2019 Finals MVP.
Sa ngayon, magpapagaling siya via chemotherapy at radiotheraphy sa susunod na mga buwan.
“Of course, it’s been amazing to have such an amazing crowd and loving teammates to help me get through the situation,” aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo