Dahil sa impluwensiya ng science sa pamumuhay ng tao, nag-host ang Department of Science and Technology Region 02 (DOST RO2) ng isang collaborative meeting kasama si Alcala, Cagayan Mayor Christina “Tin” Antonio at ang kanyang kanyang team upang ilaan ang S&T solution sa local priorities at concerns ng kanilang munisipalidad.
“They say science is not part of the government, but I am so happy to discover that science is the bedrock of governance,” wika ni Hon. Antonio sa ginanap na pagpupulong.
Iginawad ng DOST 02 ang 10 units ng portable solar drying trays at nagbigay ng P300,000 Grant-In-Aid bilang suporta sa Corn processing center project ng bayan ng Alcala.
Nagpapasalamat si Hon. Antonio sa sa DOST 02 at sa regional director nito dahil sa patuloy na pagsuporta sa S&T activities ng munisipalidad.
Iprinisinta rin ni Hon. Antonio ang mga posibleng kolaborasyon sa Research and Development sa munisipalidad, pagtulong sa Packaging and Labeling, Review Lesson para sa DOST Scholarship program, Bamboo Tissue Culture Laboratory at iba pa.
Upang higit na mapalakas ang S&T collaboration sa munisipalidad, inimungkahi ni Dir Mabborang ang pagtatag ng Municipal Science & Technology Action Group (MSTAG), ang S&T policy making body na pangangasiwaan ng DOST RO2 para sa mga munisipalidad at siyudad sa Region 02.
Dinaluhan din ang nasabing seremonya ng tatlong ARDs na sina Teresita A. Tabaog, Mary Ann Maglasin, Virgina Bilgera, ang Provincial Ditector ng Cagayan Engr. Sylvoia Lacambra na nagtataguyod sa mga programa at proyekto ng DOST Region 02 at iba pang mga tauhan nito.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE