December 24, 2024

Magdurusa ang ekonomiya kung ikakasa na namang muli ang lockdown!

Habang lumilipas ang mga araw, inaakala nating magiging mabuti na ang lagay ng ating buhay. Kumbaga sa init, unti-unti nang lumalamig ang sitwasyon.

Sa pagluwag ng mga restriksyon, lumuwag din ang ating paggalaw. Gayunman, sa kabila na dumating na ang ilang vaccine laban sa virus, saka muling tumaas ang bilang ng kaso.

Marahil sa COVID nga kaya, o sa lagay lamang ng panahon? May ilang lugar ang nagbabalak na namang ilagay sa lockdown dahil sa pagtaas ng kaso?

Makabubuti ba ito? Para makatiyak, maiging magpabakuna kaakibat ng pag-iingat.

Sinabi ng kinauukulan na kahit nagpabakuna na ang isa, hindi barometro ito upang di na mag-ingat.Kailangan pa rin sundin ang health protocols. Kung sakaling sumipa na naman ang bilang, magla-lockdown na naman kaya?

Gaya ng nangyari noong isang taon? Kakayanin pa ba ng ekonomiya at mga sektor ng negosyo? Marahil di na. Hindi kaya, nagha-hyperbole lang ang ilan sa atin sa sitwasyon?

Na kahit simpleng ubo o sinat, COVID-19 na? O depensa ito ng katawan laban sa paparating na sakit?Huwag na sanang ilagay sa lockdown o muling maghihigpit ng labis. Dahil nahahaluan ito ng diskriminasyon.

Marami ang magdurusa. Saan kukuha ng ayuda na ibibigay sa taumbayan? May pondo pa ba o napunta na sa bakuna?

Lalong magugutom si Juan. Lalong lulugmok ang kabuhayan. Ang salot ay manganganak pa ng salot. Kagutom o baka lumabis na ay mauwi na sa anarkiya. Huwag naman sana.

Hayaang makabangon ang bayan. Ang ekonomiya. Pabawiin si Juan na muling makaipon mula sa kanyang ikinabubuhay.Kaya, turn down the lockdown kung di handa at di naman talaga kailangan.