MAHIGIT sa 130,000 dayuhan ang nagtungo sa iba’t ibang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa buong bansa para maghain ng kanilang annual report (AR) ngayong 2021.
Sinabi ng Immigration Commissioner na si Jaime Morente na kabuuang 130,148 mga dayuhan ang lumahok sa taunang ulat ngayong taon bilang pagsunod sa Alien Registration Act of 1950 na nagdidirekta sa lahat ng mga dayuhan na nakarehistro sa BI upang mag-ulat nang personal sa bureau sa loob ng unang 60 araw ng taon.
Gayunpaman, ang bilang para sa taong ito ay mas mababa ng 25 porsyento kumpara sa 169,890 mga dayuhan na naghain ng kanilang AR noong nakaraang taon, ayon kay Morente.
“This is not surprising as many of these registered aliens were stranded abroad as a result of worldwide Covid-19 travel restrictions,” ayon pa sa BI chief.
Idinagdag pa niya na ang mga nabigo sa pag-file ng kanilang AR dahil nasa ibang bansa sila ay maaari pa ring mag-ulat sa mga tanggapan ng BI sa loob ng 30 araw mula sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.
Saad naman ni BI Alien Registration Division Chief Jose Carlito Licas, na nangunguna ang mga Chinese nationals na nagtungo sa BI na sinundad ng Indians, Americas, Taiwanese at South Koreans.
Kasama rin sa listahan ng top reportees ang Japanese, Viatnamese, Indonesians, Malaysians at Germans.
Sa ilalim ng 1950 alien registration act, ang mga dayuhan na may hawak ng valid immigrant at non-immigrant visas na inisyi ng BI, at ang mga naisyuhan ng alien certificate of registration
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY