November 26, 2024

PAGIGING YOUTUBE VLOGGER, KARIRIN MO NA!

Talagang nag-boom ang pagkakaroon ng vloggers sapol nang humarap tayo sa pandemya. At dahil sa tengga ang iba sa bahay mula nang mag-lockdown, naisipan ng iba na maging vlogger na rin sa Youtube.

Bukod sa nalilibang na sila, kumikita pa. Pero, hindi ganun kadali lalo na kung hindi ka pa kilala.Ilan sa mga markadong Youtube vloggers  at mga blogs sa ating bansa ay sina Mommy Tony Fowler, Zeinab Harake at Brusko Bros.

Gayundin si Jelay Andres, Ivana Alawi, Idol Raffy Tulfo, Harabas, Kaalaman TV at iba pa. Ang mga nabanggit ay mga heavyweights na vloggers dahil umaabot sa milyones ang kinikita ng mga ito.

Papaano nga ba magiging vlogger? Madali lang basta may gmail account ka. Pwede ka nang gumawa ng video at i-upload.

Maraming topics o theme ay ang pwede mong maging niche. Maaaring ito ay sa cooking, lifestyle, sports at beauty.

Gayundin ang prank, inspirational stories, open the box, tutorials, activities at travel. Kung ano ang hilig mo, yun ang gawin mo.Kaya ano pang hinihintay mo… n’yo? Kung tipo mong maging vlogger o already vlogger ka na, aba’y karirin mo na.