November 23, 2024

KOREAN SWINDLER NATIMBOG NG BI SA PAMPANGA


ARESTADO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Koreano na wanted sa mga awtoridad ng Seoul dahil sa paghuthot ng malaking pera at panloloko sa kanyang dalawang kababayan.

Ayon sa ipinadalang report ni BI FSU Chief Bobby Raquepo kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nadakip ng fugitive search unit (FSU) sa loob ng isang restaurant sa Angeles, Pampanga si Lee Beomseok, 42.

Naglabas ng mission order si Morente para sa pagkakaaresto ni Lee dahil sa hiling ng South Korean authorities sa Maynila dahil sa kaso nito sa kanyang bansa. Morente said he issued the mission order for Lee’s arrest at the request of the South Korean authorities in Manila which informed the BI that the alien is the subject of a criminal investigation for fraud in his country.

Nakakulong ngayon ang Koreano sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang kanyang deportasyon.