December 23, 2024

Body cam baka magamit na ng PNP sa Marso

Ipinakita ni PNP Directorate for Logistics chief Police Major General Angelito Casimiro ang mga body cameras para sa mga tauhan ng PNP na posibleng magamit sa Marso. (Kuha ni JHUNE MABANAG)


TARGET ng Philippine National Police (PNP) na magamit na ng mga tauhan nito ang mga body camera sa kanilang mga operasyon simula sa Marso, ayon sa isang mataas na opisyal ng pulisya.

Ngayong araw, sumailalim sa body-worn camera system training ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sabi pa ni PNP Directorate for Logistics chief PMaj. Gen. Angelito Casimiro, mag-i-issue ng resolusyon hinggil sa pagtanggap ng body cams sa second phase.

“After ng training po na ito, they will convene ‘yung acceptance committee and TWG will render a report and within ten days, they will have to make a resolution tungkol sa acceptance ng body-worn cameras sa second phase and that will be recommended by the Committee on Inspection and Acceptance to the Chief PNP, who is the head of the procuring entity,” saad ni Casimiro.

Nasa mahigit 2,600 body cams ang kanilang binili na ipamamahagi sa iba’t ibang police station sa bansa.

“We hope and pray that everything will [run] smoothly, dadaan po sa proseso and by March fully operational na po ‘yung body-worn cameras natin PNP-wide,” sambit niya.

“Sabi nga ni contract administrator nakadistribute na po to the diffent police stations, police provincial offices ‘yung mga hardware natin,”  dagdag pa ng opisyal.

“Kailangan lang ireconfigure para ‘yung body cam. ma-reconfigure within the desktop para ma-dock ‘yung mga body cam and mastore po ‘yung memory.”

Bibigyan ng tig-16 body camera ang bawat istasyon ng pulisya kung saan walo rito ay gagamitin ng operating team.

“Doon sa walo na nasa labas, apat po doon ang may SIM card… ‘yung nagfi-feed ng screen doon sa command center natin,” paliwanag ni Casimiro.

Layon nito mapawi ang duda ng publiko sa kanilang operasyon lalo na sa isyu ng iligal na droga.

“‘Yung sinasabi po ninyong doubt, ito po ‘yung mag-prove na depensa rin sa amin,” aniya.
Gagamitin ang mga ito sa law enforcement at combat operations ng pulisya, lalo na sa mga operasyon kontra iligal na droga.