NANAWAGAN ngayon ang pamahalaang-lungsod ng Pasay sa mga mamamayan , partikular sa mga magulang na may mga anak na sanggol na pag-ibayuhin ang pag-iingat at pagsunod sa mga itinakdang health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.
Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, doblehin ang pag-iingat sapagkat walang sinasanto ang naturang sakit.
Ang panawagan ay ginawa ni Mayor Rubiano kasunod ng ulat na isa sa nagpositibo sa virus ay isang batang babae na apat na buwang gulang pa lamang.
Tiniyak ng Alkalde na ibibigay ng pamahalaang-lungsod ang lahat na kailangang tulong para matiyak ang kaligtasan ng sanggol at ang nanay nito.
Nanawagan din ang alkalde sa mga mamamayan na makiisa sa isasagawang citywide vaccination program laban sa virus upang tuluyan ng masugpo ang pagkalat nito.
Isa sa mabisa umanong panlaban ay ang isasagawa immunization campaign kung kayat dapat suportahan at makiisa ang lahat.
Samantala sinabi naman ni Mark Anthony Ejercito ang nurse na nakatalaga sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, na siyang unang rumesponde ng malaman nila na positibo sa COVID-19 ang bata, na inilipat na nila sa MOA Quarantine Facility ang sanggol kasama ang kanyang 23-anyos na ina. (Balita ni RUDY MABANAG)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA