PUMALO na sa 7,650 kabuuang bilang ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay.
Kasama sa nasabing bilang ang 395 na active cases ng COVID-19, 7,059 naman sa mga ito ang nakarekober sa naturang sakit habang nasa 196 naman ang nasawi dahil sa nakamamatay na virus sa lungsod.
Ayon sa Public Information Office ng Pasay gumagawa na ng mga hakbangin ang lokal na pamahalaan upang agarang mapigilan ang pagdami nito sa pamamagitan ng mas aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR Testing, Isolation and Treatment, at pagdedeklara ng mas maigting na Community Quarantine sa mga apektadong Barangay.
Nauna nang isinailalim sa Localized Community Quarantine ang 34 mga Barangay at isang establishment matapos tumaas ang bilang ng mga nahawaan ng nasabing virus.
Samantala nanatili parin na naka quarantine si pasay city mayor Emi Calixto Rubiano matapos mahawaan ng isa sa mga kawani nito na nagpositibo sa Covid-19.
Hiniling ng pasay LGU ang kooperasyon at pakikiisa ng mga mamayan upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa mga komunidad nito. (Balita ni RUDY MABANAG)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE