November 24, 2024

Reavis, Pascual at Abundo, mananatili sa Hotshots, isang spot, nakareserba kay Pingris

Mananatili ang three players sa Magnolia Hotshots na mayroong expiring contracts. Kabilang na rito si Rafi Reavis.

Ayon kay coach Chito Victolero, dumating ang 43-anyos na si Reavis mula sa U.S last week. At sa ngayo’y nasa ilalim ng quarantine protocols bago bumalik sa Hotshots.

Sa gayun ay makasama na siya sa workouts na nagsimula na noong last week.

 “So halos kumpleto na kami,” saad ni 2018 ‘Baby Dalupan Coach of the Year Award.

Bukod kay Reavis, mananatili rin sa Magnolia si Kyle Pascual at back-up guard Alvin Abundo. Hindi naman alam ni Victolero ang terms ng deal ng  tatlong cagers.

 “I don’t know yung length ng kontrata nila at yung ibang detalye. Ang sa akin lang yung recommendation para mabuo yung team,” aniya.

Sa mga key players I also have my recommendation on how long (ang contract), pero yung ibang players hindi ko alam yung negotiations nila.”

Sa pagkakasalpak ni newly-acquired star Calvin Abueva, mayroon nang 12-man lineup ang Hotshots sa paparating na PBA season.

Ayon pa kay coach Chito, ang isang spot ay naka-reserved  kay veteran big man Marc Pingris. Maliban na lamang kung ito’y magreretiro. O kaya’y  maglalaro pa ng another season sa team.