December 22, 2024

BLACKPINK nagbabalik; “How You Like That” bagong magpapaindak sa K-Pop fans

MULI na namang naglabas ng kanta ang pinakainaabangan na pagbabalik ng K-pop quarter BLACKPINK na may pamagat na “How You Like That,” nitong June 26, na sinasabing bahagi lamang ito ng full-length album na ilulunsad ng South Korean girl sa Setyembre.

Ang music video na “How You Like That” na mapapanood sa Youtube  at humatak agad ng 11 na milyon na views.

Ilang oras bago inilabas ang kanta dakong 6PM KST (alas-5:00 ng hapon sa Maynila), nagsagawa ng live countdown sina Lisa, Jisoo, Jennie at Rose sa Naver V Live at Youtube upang batiin ang Blinks sa buong mundo.

Sa isang global press conference para sa kanilang kanta na naka-stream sa Youtube, napag-usapan dito ng BLACKPINK ang kanilang mga kanta at ang pagbabalik, gayundin ang collaboration nila kasama ang international artist na si Lady Gaga.

Isang taon na rin at dalawang buwan magmula ng ilabas ng BLACKPINK ang “Kill This Love” kaya maraming fans sa buong mundo ang mapapaindak na naman sa kanilang pagbabalik.

“Starting with ‘How You Like That,’ and the regular album, we hope to greet the fans more regularly. I hope everyone loves the songs, enjoys the music and the music video,” ani ni Jennie.

Ani naman ni Jisoo na ibinuhos nila ang lahat ng effort sa kantang “How You Like That.

Tinanong rin sila kung bakit tinatangkilik ng mga tao ang content ng BLACKPINK at ipinaliwanag ni Lisa na ginagawa nilang makulay ang bawat album.  At ipinapakita nila ang iba’t ibang aspeto ng BLACKPINK gaya ng fashion, styling at stage element.

“Styling plays really an important role in expressing music. We worked until we became satisfied,” ani Jennie.

Mahigit isang bilyon na rin ang views sa Youtube  ng kanta ng BLACKPINK na ‘DDU-DU DDU-DU, ang pinakaunang K-pop group na nakuha nito sa isang single MV.

“Whenever we hear about these things, we feel more responsible. We try to bring out positive energy to people out there. To all people who love our music, I hope they love themselves and be proud of themselves and be very confident,” saad ni Rose.

Noong nakaraang buwan, nakasama ng BLACKPINK si Lady Gaga sa kanilang kantang “Sour Candy” at ikinararangal daw ni Jennie na makatrabaho siya.

“In the beginning, we had a call with her and spoke with her on the phone. She said she loves the color and unique characteristics of BLACKPINK. We are very glad to do the collaboration with her because we were huge fans of Lady Gaga even before our debut.  It was really fun working with her. We really appreciate the great chance that we had,” pagbubunyag ni Jennie.