Hindi na muna itutuloy ang isasagawang na PBA Draft Combine sa Marso 10 at 11. Ito ay dahil sa nagdesisyon ang PBA na ikansela ang event.
Ito ang mismong kinumpirma ni PBA Commissioner Willie Marcial. Ito’y para na rin sa safety ng mga manlalaro. Gayundin ng mga taong involved sa nasabing okasyon.
Ayon kay Marcial, isinaalang-alang ng liga ang safety ng mga staffs. Ito’y bunsod na rin ng pagtalima sa programa ng gobyerno laban sa COVID-19.
Sa gayun ay mapigil at maiwasan ang hawaan ng virus. Dahil kung susugal sila, ang liga rin ang magdurusa.
Gayunman, tuloy naman ang pagdaraos ng Annual PBA Rookie Draft sa Marso 14. Para walang peligro, maaaring isagawa na lang ito via online.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison