BATANGAS – Sapilitang pinalikas ang mga residente na naninirahan sa isla ng Taal Volcano dahil sa muling pagtaas ng seismic activity ng bulkan.
Ayon sa Philippine Coast Guard, limang asset ang kanilang ipinadala upang ilikas ang mga residente sa volcano island at dalhin sila sa ligtas na lugar.
Pansamantalang mananatili ang mga residente sa City Social Welfare and Development Office ng Talisay, Batangas habang binabantayan ang aktibidad ng bulkan sa mga susunod na oras.
Samantala, nagsagawa rin ng inspeksyon sa paligid ng isla.
Batay sa Taal volcano bulletin ng Phivolcs bandang 8:00, Martes ng umaga, nakapagtala ng 98 tremor episodes na tumagal nang lima hanggang 12 minuto batay sa monitoring sa nakalipas na 24 oras.
Patuloy ding naglalabas ang bulkan ng white steam-laden plumes na may taas na limang metro.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
Ngunit babala ng Phivolcs, posible pa ring makaranas ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes at minor ashfall sa bisinidad ng Taal Volcano Island.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY