November 27, 2024

Michael Jordan, magbibigay ng $10M sa medical clinics sa North Carolina

Ipinahayag ni NBA legend Michael Jordan na magbibigay siya ng $10 milyon upang makatulong sa medical clinics. Ito’y para sa uninsured at underinsured communities sa kanyang hometown sa Wilmington, North Carolina.

Ang nasabing klinika ay nakatakdang buksan sa kaagahan ng taong 2022. Si Jordan ay lumaki at nag-aral ng high school sa Wilmington.

Nakapagdonate na siya kamakailan ng $7 milyon para sa pag-set-up ng family clinics. Sa gayun ay suportahan ang vulnerable communities.


“I am very proud to once again partner with Novant Health to expand the Family Clinic model to bring better access to critical medical services in my hometown,”  ani Jordan sa  statement.

Everyone should have access to quality health care, no matter where they live, or whether or not they have insurance.”

“Wilmington holds a special place in my heart and it’s truly gratifying to be able to give back to the community that supported me throughout my life,” aniya.

Noong June 2020, nagpledge si Jordan ng $100 milyon na magiging pondo sa susunod na dekada. Ito’y gagamitin para isulong ang racial equality.

Si Jordan ay siyang nagmamay-ari ng Charlotte Hornets team sa NBA. Sumikat siya sa Chicago Bulls at naging 6-time champion noong dekada 90.