DAVAO CITY – Nagpapatuloy ang pre-registration ng Philippine identification System (PhilSys) o National ID sa Davao region, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa Region 11.
“The pre-registration operations are currently ongoing. As to the figures we are unauthorized yet to provide,” inihayag ng PSA-11 sa kanilang Facebook page noong Nobyembre 12.
Bagaman, mabagal ang Step 2 registration sa ilang lalawigan, ang iba pang lugar kabilang ang Davao Region ay patuloy sa Step 1 dahil sa iba’t ibang kadahilan na naging sanhi ng pagkaantala sa proseso kabilang ang mahigpit na health protocols at mga paghihigpit na ipinataw upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa PSA, habang hindi pa nagsisimula ang Step 2 sa Davao Region ng registration process, tiniyak nito na agad nilang gagawin ang anunsiyo at advisory sa kanilang website.
“For now, Step 2 is still slowly starting in other provinces in the Philippines. This is to make sure and test the system so that the information obtained from the registrant will be secured,” ayon sa PSA.
Dagdag pa ng PSA-11 na magtatayo pa ang PSA Central Office ng mas maraming maayos na mobile registration office sa piling lugar sa Pilipinas para makapagparehistro ang mga indbidwal sa Step 2.
Bumuo rin ang central office ng sistema para sa online registration.
Para sa mga nakumpleto ang Step 1, inabisuhan sila na dapat palaging aktibo ang kanilang contact number at email address upang malaman nila ang schedule sa Step 2 registration.
“I finished Step 1 here in Davao City. I’m ready for Step 2 because I already have a pre-registration slip. I was given a schedule. I hope Step 2 will start already so I can get my ID because it is so important if you have a national ID),” ani ni Ed Espinosa ng Davao City sa kanyang Facebook post.
Nagpahayag naman ng pagkasabik ang isa pang residente na si Zy Ninia Tormon na kumpletuhin ang registration para sa National ID.
“Na-register nami sa first step, sched namo atung Dec. 7 then nakadawat mig text na wait for another date kay cancel tong first gihatag, nagahulat mi tawagan kay gusto nami makakuha ug national ID, hope matawagan nami sa PSA,” ayon kay Tormon.
Nilagdaan para maging batas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 ang Republic Act 11055 o ang Philippine Identification System Act na naglalayaong itaguyod ang isang single national ID para sa lahat ng Pinoy at mga residenteng dayuhan.
Ang National ID ay isang valid proof ng pagkakilanlan na isa ring paraan na magpapagaan sa public at private transactions, pag-eenroll sa mga paaralan, at pagbubukas ng bank account. Sa pamamagitan ng ID na ito, maaari nang makuha ang serbisyo ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM