NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ng simulation para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccination rollout sa Navotas Polytechnic College (NPC), kung saan nakalagay ang vaccine cold room ng lungsod.
ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang simulation para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccination rollout sa Navotas Polytechnic College (NPC), kung saan nakalagay ang vaccine cold room ng lungsod.
“The drill will help us assess our readiness for the citywide COVID-19 immunization and enable us to see what needs to be improved on,” ani Mayor Toby Tiangco.
“The first batch of vaccines is expected to arrive this February and we need to ensure that we are set and primed to execute the campaign. We aim to inoculate 1,500 daily and we want it to go as safe and smooth as possible,” dagdag niya.
Ang simulation noong Biyernes ay ang pangatlo sa series ng mga dry run na isinagawa ng lungsod bilang paghahanda para sa vaccination rollout.
Kasama sa mga senaryo ang pagtugon sa isang pasyente na nakakaranas ng hindi kanais-nais na reaksyon sa bakuna at pagdadala ng mga bakuna mula sa NPC patungo sa iba pang inoculation sites.
Naglaan ang Navotas ng paunang P20 milyon para sa COVID-19 vaccination program. Layon nitong mabakunahan ang 103,000 residente at hindi residente na nagtatrabaho sa Navotas at may edad 18 pataas.
Lumagda ang lungsod ng tripartite deal para bumili ng 100,000 doses ng Astrazeneca vaccines at nagpadala ng order para sa 10,000 doses mula sa Moderna. Balak din nitong bumili ng 40,000 na doses mula sa Pfizer.
“These brands emerged as top choices of Navoteños when we conducted our informal survey in December last year. However, we are open to receiving other brands from the national government,” sabi ni Tiangco.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY