UMALMA si Agriculture Secretary William Dar sa panawagan na magbitiw na ito sa puwesto dahil sa patuloy na pagtaas na presyo ng baboy at manok.
Ani ni Dar na hindi ito makatarungan para sa kanya.
“That’s not fair, we are having a mix of interventions [that] could handle this concern on food prices,” saad ni Dar sa panayam sa “Matters of Fact” ng ANC bilang tugon sa sa pork producer groups na nag-aakusa sa kalihim ng Department of Agriculture (DA) na pinapaboran ang mga importers at smugglers keysa sa local traders.
Noong Lunes nang magsagawa ang ilang vendor ng isang “pork holiday” o hindi pagbebenta ng baboy sa Metro Manila nang simulan ang pagpapatupad na price cap sa baboy at manok.
Itinakda sa Executive Order No. 124 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang price ceulingg na P270 sa kilo ng “kasim o pigue,” P300 per kilo sa “liempo” at P160 per kilo sa manok.
Una nang sininsi ni Daar ang mga walang prinisipyong negosyante at profiteers sa abnormal na pagtaas ng presyo, ngunit sinabi ng local raisers na ang dahilan ng pagtaas ng presyo ay dahil sa mabagal na recovery ng food establishments mula sa epekto ng coronavirus pandemic, ang malayang importasyon ng karne, at ang pagtama ng African swine fever.
“When I came in August 2019, nandyan na yung problema at [the problem was already there and] we continued to work with LGUs every step of the way,” saad niya.
Dagdag pa ng agriculture chief na ang kanyang ahensiya ay gumawa ng paraan upang tugunan ang outbreak ng ASF.
“This time around, we elevated the platform so meron na tayong bantay sa ASF sa barangay. Meron na rin rapid PCR [tests] that we are procuring and we will give this to the local government units as they will be monitoring and doing surveillance,” saad niya.
“Within one hour, makikita mo na kung may sakit ang baboy and dun mai-implement right away yung quarantine protocols,” dagdag pa niya.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?