December 24, 2024

NAVOTAS’ COVID RESPONSE PINURI NI DUQUE

Binisita ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team ang Navotas para malaman ang kahandaan ng lungsod sa rollout ng COVID-19 vaccine. Kabilang sa mga dumalo sina Cabinet Secretary Karlo Alexei B. Nograles, DOH Sec. Francisco T. Duque, III, DILG Asec. Marcelo C. Morales, Dir. Aleli Annie Grace Sudiacal, Dr. Ma. Paz P. Corrales, Cong. John Rey Tiangco at Mayor Toby Tiangco.

PINAPURIHAN ni Health Secretary Francisco Duque III ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa matagumpay na pagtugon kontra coronavirus disease 2019 pandemic.

Si Duque at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga miyembro ng COVID-19 Vaccine Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team na bumisita sa Navotas Polytechnic College upang suriin ang cold room at vaccination center ng lungsod.

“Navotas City is worth acknowledging and recognizing because of its success in its COVID-19 pandemic response.” Pahayag ni Duque sa kanyang talumpati.

Sinabi ni Duque na ang lungsod ay mayroong 2% positivity rate, 3.4% na mas mababa kaysa sa national positivity rate. Nagtala din ito ng pinakamababang kaso ng fatality rate na 1.7%, kumpara sa 2% national fatality rate.

Nabanggit din ng health secretary na ang lungsod ay nagtala ng 1.53% average na daily attack rate sa huling dalawang linggo, -17.5% na dalawang linggong growth rate, at zero healthcare utilization rate.

Ipinakita ng City Health Office ang Navotas’ vaccination rollout plan na layon ng lungsod na ma-inoculate ang 107,000 karapat-dapat mabakunahan sa 20 vaccination sites at target na bakunahan ang 100 indibidwal kada araw bawat site.

“We have conducted a series of dry runs to keep our vaccination teams ready for any eventuality. We want our rollout safe and smooth that’s why we also study the vaccination procedures of other countries so we may learn from their experiences,” ani Mayor Toby Tiangco.

Samantala, sinabi naman ni Cong. John Rey Tiangco ang plano ng lungsod na tugunan ang mababang kumpiyansa sa bakuna. “The city government has invited health experts to educate Navoteños about COVID-19 vaccines. We hope that as we correct misconceptions, we will also be able to allay their fears and eventually convince them to get vaccinated,” pahayag niya.