UMARANGKADA na ngayong araw ang tatlong bagong Indonesia-built Diesel Hydraulic Locomotives (DHL) ng Philippine National Railways (PNR) na maghahatid at magsusundo sa mga pasahero mula Tutuban Station sa Maynila hanggang Los Baños sa Laguna.
Ang naturang mga tren, na gawa ng PT Industri Kereta Api (PT-INKA), ay mayroong 15-passenger coaches, na kayang magsakay ng 140,000 pasahero kung ihahambing sa dating mga tren na 48,000 hanggang 60,000 lamang ang naisasakay araw-araw.
Sa pag-arangkada ng mga tren, unang sumakay sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, PNR General Manager Junn Magno, pang opisyal ng pamahalaan at guest offials mula sa Republic of Indonesia Embassy sa Maynila at PT INKA para sa test run.
Ayon kay PNR Assistant General Manager Ces Lauta, na kinokonsidera ang bagong DHLs bilang high capacity trains na may maximum passenger capacity na 1,330 at may kapasidad na lumubog sa tubig na 18 pulgada kaya pupuwede sa baha.
“The DHLs also includes a maximum design speed of 120 kph and with high clearance for flood tracks. Its main engine has 2200 horsepower (1700KW), and it is equipped with Power Management System for fuel optimization. It also has a monitoring system with diagnostic and recorder function,” ayon kay Lauta.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY