November 24, 2024

DELA ROSA: ‘DI AKO ANTI-UP, AKO’Y ANTI-CPP-NPA-NDF

Iginiit ni Senator Ronald dela Rosa na mataas ang respeto niya sa University of the Philippines kasabay nang pagtanggi  na bumoto sa resolusyon na sumusuporta sa pagkakaroon ng diyalogo ng UP at Department of National Defense.

“For the record, I am not anti-UP, I am anti-CPP-NPA-NDF. I respect UP as breeding ground for the best and brightest minds that this country has produced,” saad ni Sen. Bato.

Aniya kontra siya sa mga ideolohiya ng CPP – NPA – NDF at ayon sa dating hepe ng pambansang pulisya, maraming pulis at sundalo ang pinatay ng mga rebeldeng komunista.

Palagay pa nito, higit tatlong dekada na sinamantala ng mga rebelde ang 1989 UP – DND Accord dahil nagamit nila ito para manghikayat ng mga estudyante na sumanib sa kilusang komunista.

Noong 2019, pinamunuan ni dela Rosa bilang chairman ng Committee on Public Order ang ilang pagdinig ukol sa panghihikayat ng mga makakaliwang grupo sa mga kabataang estudyante.