November 1, 2024

SISTEMA AT PROSESO NG MAS MARAMING NEGOSYO, GAGAWING MODERNO NG CDC

CLARK FREEPORT— Bilang bahagi ng adbokasiya upang mapagaan ang paglikha ng negosyo, nakatakdang pagbutihin at gawing moderno ng Clark Development Corporation (CDC) ang mga sistema at proseso sa negosyo, upang matugunan ng state-firm ang higit na pangangailangan ng mga locators lalo na’t ngayong may pandemya.

Sa kanyang pakikipagpulong sa CDC management team at executive officers, inilatag ng bagong talagang CDC President at CEO Manuel R. Gaerlan ang kanyang plano na gamitin ang makabagong teknolohiya sa pagpoproseso ng state-owned firm.

Inatasan ni Gaerlan ang kanyang grupo na ituon ang pansin sa pag-upgrade ng sistema ng CDC at pamamaraan gamit ang napapanahong teknolohiya na maghahatid ng mas maayos na serbisyo at karanasan sa lahat ng locators at stakeholders dito. Dahil na rin ito sa demands ng mas maraming online business processing upang mapanatiling ligtas ang mga stakeholder.

Nais ni Gaerlan na maisama at magamit ang modernong teknolohiya sa kanilang maximum potentials upang maitaguyod ang mas magaan na paglikha ng negosyo. Dapat itong gawing mas maliwanag sa panahon ng pandemiya sapagkat kailangan ng iba’t ibang CDC offices na gumawa ng alternatibong pamamaraan sa komunikasyon upang maagapan ang mga business concern ng stakeholder at mga bisita.


Tiwala si Gaerlan na ang parehong teknolohiya na isinama sa sariling sistema, pamamaraan at proseso ng CDC,  na sa paglaon ay makakukuha ng mas maraming investment sa lugar ng manufacturing, logistic at turismo.

Para sa national recovery pagkatapos ng pandemya, kailangang ipagpatuloy ng Clark at iba pang economic zones ang paghahatid ng serbisyo sa mga stakeholder na kapantay ng, o mas higit pa, sa international standards.

Ang lahat ng pagbabago ay ipinatutupad sa ilalim ng direksyon na “reset, rebound and recover” na ibingay ng bagong pamunuan ng CDC.

Naniniwala din ang bagong CDC head na ang implementasyon ng naturang plano ay magbabalik sa mas maraming favorable investment climate sa Freeport, upang makamit ng Clark ang layunin nito na maging isang premiere aerotropolis at meeting, incentives, conferences, and exhibit (MICE) destination sa Asia Pacific Region.

Samantala, alinsunod sa plano na automate frontline services, inilunsad ng CDC, katuwang ang Landbank of the Philippines ang online payment option. Layon ng bagong proseso na ito na maibigay sa Clark locators ang mas madali, mabilis at maginahawa na paraaan para bayaran ang kanilang dues.

Sa pamamagitan ng Linkbiz.Portal, maari ng bayaran ng mga locators ang kanilang permit at iba pang bayarin sa CDC. Maaari ring gawin sa pamamagitan ng new option ang Payments for Lease Rentals (sa ilalim ng Treasury Division), Visa-Related fees (sa ilalim ng BDBEG), Alien Employment Permit Dependents Visa, Downgrading of Visa, Optional Express Lane Fee, Photocopy ACR iCARD, Provisional Permit to Work PPW, SCWV excess limit, Special Working Permit SWP, Subic Clark Working Visa.

Bukod pa rito, mas marami pang mga programa at proyekto na pangagasiwaan ng Business Development and Business Enhancement Group (BDBEG) at CDC-Information Techonology Division (ITD) ang nasa pipeline upang makabuo ng mga bagong paraan para mapabilis ang ng mga proseso sa Freeport.