November 1, 2024

Third window ng FIBA Asia Cup, kinansela ng SBP dahil sa travel ban

Dahil sa travel ban na ipinatutupad ng gobyerno sa ilang bansa, ipinasya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ikansela ang FIBA Asia Cup.

Ang third window ng qualifying round ay idaraos sana sa Clark, Pampanga.

Kung saan sasalang ang Group A at C sa Pebrero 18-22 via bubble set-up.

 “We were confident we’d be able to host a safe environment where world-class basketball players can showcase their skill without having to worry about anything else,” saad ni SBP President Al Panlilio.

We’ve exerted a lot of effort into our hosting of the upcoming FIBA Asia Cup Qualifiers.”

“This is why it is with great sadness that we announce it is no longer going to happen.”

Ayon pa kay Panlilio, nakikipag-ugnayan ang SBP sa opisyal ng gobyerno. Particular sa National Task Force against COVID-19.

Ito ay dahil sa new strain ng virus. Naka-monitor naman ang DFA sa mga travelers mula sa bansang apektado ng outbreak.

 “They have informed us that there would be no exemptions from the current travel restrictions,” aniya.

Ang FIBA naman, ayon kay SBP Special Assistant to the President (SAP) Ryan Gregorio, ay naghahanap ng ibang venues. Upang doon idaos ang Group A and C stage.

Pero, wala pa silang mahanap sa ngayon.