November 24, 2024

ROBREDO HANDANG UNANG MABAKUNAHAN VS COVID-19 (VP palaban)

QUEZON CITY, December 5, 2016: Philippine Vice President Leni Robredo speaks during a press conference in Quezon City, the Philippines, December 5, 2016. Philippine President Rodrigo Duterte on Monday accepted the resignation from his cabinet of Vice President Leni Robredo who quit after she was asked to âdesist❠from attending the future cabinet meetings. (Xinhua/Rouelle Umali via Getty Images)

MANILA – Binigyang diin ni Vice President Leni Robredo ang kanyang kahandaang mauna na maturukan ng COVID-19 vaccine.

Pahayag ito ng pangalawang pangulo matapos siyang hamunin ni dating special assistant to the president at Sen. Bong Go, sabayan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabakuna.

“Ikaw, Ka Ely, ang makakapagsabi—hindi naman ako kailangang hamunin kasi nagvo-volunteer nga ako, ‘di ba,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.

“Kung naalala mo, parang early December ba iyon, Ka Ely? Parang early December, dito sa programa natin, sinabi ko na na ako, willing akong magpabakunang una in public kung makakatulong iyan sa pagbalik ng kumpiyansa ng publiko,” dagdag ng pangalawang pangulo.

Sa kabila ng paninindigan sa pagbabakuna, naniniwala si Robredo na dapat pa ring maunang turukan si Duterte bilang lider ng bansa.

Para sa bise presidente, tulad ng ibang bansa, mas malaki ang hatak sa kumpiyansa ng publiko kung mismong pangulo ang isa sa unang makakatanggap ng bakuna.

Kung tutuusin, hindi naman daw kailangan ang public vaccination ng head of state kung walang takot na nararamdaman ang publiko.

“Karamihan sa mga heads of state, nakita naman natin pati sa Indonesia, sa Singapore—napakaraming mga lugar na iyong head of state iyong nauuna. Kasi ito iyong— Ang mensahe nito, ‘Wala kayong dapat ikatakot.’”

“Pero dahil ang baba ng confidence ng tao, kailangan nating magtulung-tulungan para maging confident iyong tao na wala silang dapat ikatakot magpabakuna.”

Bukod sa pagpapa-bakuna ng mga lider, iginiit din ni Robredo ang kahalagahan ng paglilinaw sa publiko sa kung anong klaseng bakuna ang gagamitin sa populasyon.

“Kasi hanggang maraming controversies, talagang iyong tao mamimili. Iyong tao, mamimili siya ng bakuna kung hindi nae-explain nang maayos. Dapat sana kapag ni-roll out ito, wala nang ganiyan.”