Kabilang sa mga tinamaan ng bagong COVID-19 variant ang dalawang bata na may edad na lima at 10 sa Bontoc Province, ayon sa Department of Health.
“We have cases as young as 5 and 10 years (old),” ayon kay Dr. Thea de Guzman ng DOH’s Epidemiology Bureau sa isang press briefing. Isa pang pasyente na hindi bababa sa 18 ang edad ang nahawa rin sa nakakamatay na virus.
Kabilang ang tatlong menor de edad sa karagdagan na naitalang 16 kaso sa bansa ng coronavirus variant na unang nadiskubre sa United Kingdom at pinaniniwalaang na mas nakakahawa. Unang na-detect ang kaso sa isang residente sa Quezon City na galing Dubai.
Ang 12 ng bagong kaso mula sa dalawang barangay sa Bontoc, isa sa La Trinidad, Benguet at isa sa Calamba, Laguna. Ang nalalabing dalawang na umuwing overseas Filipino ay galing sa Lebanon na bina-validate pa ang tirahan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY