Bilang pagpapahalaga sa mga kabataan at larong basketbol, isang proyekto ang ikinasa ni San Miguel Beermen head coach Leo Austria.
Katunayan, namahagi sila ng mga bola sa kanyang hometown sa Sariaya, Quezon. Giit ng coach, ituloy lang ng mga kabataan ang pangarap sa gitna ng COVID-19.
Ang mga batang nabigyan ng basketballs ay nakiisa sa gift-giving activity sa San Miguel Christian Gayeta Homes.
“Ang sabi ko nga sa mga bata, ako nga na taga-rito sa Sariaya ay nagsikap at umabot sa PBA.”
“Kaya’t kaya rin nila basta magsikap sila at malaking blessing na nandito na ang San Miguel sa Sariaya,” ani coach Leo.
Giit ni coach Leo, kaakibat ang San Miguel Corporation (SMC) sa paghubog ng pangarap. Gayundin ng talent ng mga kabataan sa paglalaro ng basketball.
Handang maging gabay nila ang SMC. Kung saan, aalalay sila sa mga batang makapaglaro sa kolehiyo at pro league.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!