November 24, 2024

Empleyado ng PSC na sangkot sa payroll scam,linasuhan na ng DOJ

Sinampahan ng criminal case ang tatlong empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC). Sila kasi ay sangkot sa ‘payroll scam’.

Naging kontrobersiyal ang usapin ng ito. Na nagbigay ng kahihiyan sa ahensiya. Isinampa ang kaso pagkatapos ng isang taong pagsusuri ng DOJ.

Inilatag ang hatol pagkatapos suriin ang dokumento’t ebidensiya. KInasuhan ang tatlo ng qualified theft, attempted at qualified theft.

Gayundin ng cyber-related forgery at computer-related fraud laban kina Paul Ignacio, Michaelle Jones Velarde at Lymuel Seguilla.

Bagama’t dinampot ng NBI, pinalaya ang tatlo pagkatapos na makapagbayad ng piyansa.

 “It is a regrettable incident but it compelled us to fast-track upgrades and consider a second-look at existing processes,” pahayag ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Nahayag ang conspiracy ng tatlo ng iniulat ni Land Bank Vice President Marietta Cabusao. Kung saan, nagdeposito ng malaking halaga sa account ni Ignacio sa kanilang Philippines Century Park Hotel Branch sa Malate na nasa likod ng Rizal Memorial Sports Complex.