November 23, 2024

TAMEMENG OPOSISYON

NGANGA ang oposisyon sa inaugurasyon ng isa sa build 3 project  ng administrasyon ni Pangulong  Rodrigo Duterte- ang Skyway  Stage 3 na nag-uugpong ng North Luzon Expressway at South Luzon Expressway.

Puring- puri ng mayoryang mamamayang Pilipino ang reyalidad nang proyektong noon ay drawing lang sa ayaw gumastang nakaraang administrasyon at  walang ginawa kundi magbulsa ng kuwartang dapat laan sa imprastraktura na mag-iimprove ng buhay kalunsuran.

Kahit isang kataga ay walang binulalas ang mga tolongges na kritiko sa naturang milestone na magbibigay ng kaginhawahan  sa motoristang Pinoy na kay tagal na nagtiis sa kunsumisyon ng trapik sa ibaba.

Mismong si San Miguel Corporation COO  Ramon Ang na siyang may timon sa  makasaysayang proyekto ay sumaludo kay PRRD sa kanyang strong political will at inspirasyon ng kanyang pagmamahal sa Pilipino ay  isang tagumpay ang proyektong magpapaluwag sa EDSA at ibang mga sakal ng trapikong lansangan sa Metro Manila.

Noon ay pinakamaikli na ang dalawang oras na usad pagong sa EDSA  mula north to south vice versa at iba pang kalye na nagdudulot ng bilyong pisong lugi ng estado araw-araw.

Ngayon ay mahaba na ang 30 minutos na biyahe ng magkabilang expressway at babawas ng 50 % volume ng sasakyan sa baba na isang congestion na isa nang mulat na katotohanang noon ay sabi ng oposisyon na  isang suntok sa buwan.

Ang matindi sa mga desperadong oposisyon ay sa halip na pumuri sa kapuri-puring proyekto ay iba ang sinillip nila sa talumpati ng pangulo kundi ung aspeto ng pulitika.

Umanggulo ang mga loko sa sinabi ni PDigong sa kanyang  skyway inauguration speech tungkol sa ayaw na niya ng  ekstensyon ng kanyang termino at ang di rin niya papayagang tumakbong presidente ang anak niyang si Mayor Sara Duterte.

Akalain bang du’n nagtabil ang sangang-dila ng mga dilawang delimaw at ontivirus pati sina po’ekiko , frankpork at iba pang  kasungay nila na wala anilang karapatang maging presidente kahit sinong Duterte Sinong bagay? Silang salot at isinusuka ng bayan?

Lalo silang malulula pagkatapos pa ng ibang skyways sa Metro Manila at karatig pati na ang mga proyektong mag-uugpong sa mga isla ng bansa.

NG galing talaga ni PDu30 , MARKV,  GO- go at TUGADEBEDAGLORI atbp… Hats off!