Bilang pagsugpo sa COVID-19 disease, sinimulan na ng Philippine Red Cross ang saliva test. Sinabi ni PRC Chairman Richard Gordon, na siya ang unang sasalang sa test.
Aniya, mas mura ang nasabing test upang matukoy na ang isang tao ay infected o hindi ng virus.
“Sisimulan na namin ang saliva test. At ako mismo ang mauunang sasalang dito.”
Ako mismo ang magiging isa sa mga guinea pig,” pahayag nito.
Samantala, dininig naman sa senado kanina ang tungkol sa pagrekta ng COVID-19 vaccine.
Samantala, dininig naman sa senado kanina ang tungkol sa pagrekta ng COVID-19 vaccine. Sinabi rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakapag-secure na ang bansa ng doses ng vaccine.
Aniya, 25 million doses ang irerekta galing sa Chinese pharmaceutical company na Sinovac. Dagdag pa ni PS Roque, nasa 50,000 ang kasama sa unang batch ng darating sa bansa sa Pebrero.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO