Sinakop ng libo-libong mga deboto ang bahagi ng Southbound sa kahabaan ng Quezon Boulevard malapit sa Quiapo Church upang dumalo sa ginaganap na misa para sa kapistahan ng Itim na Nazareno. JHUNE MABANAG
Bagama’t kinansela na ang traisyunal na “Traslacion ay maituturing pa rin itong “superspreader” event dulot ng COVID-19 pandemic, ayon sa OCTA Research.
“Actually hindi na nga namin iniisip ‘yan eh. Alam natin na puwedeng malaki ang effect talaga ng [pista] na ‘yan sa infection, superspreader event, totoo ‘yung sabi mo,”saad ni Dr. Guido David ng OCTA Research team sa panayam sa Super Radyo dzBB nang hingin ang komento sa kung posibleng maging sanhi ng pagsirit ng panibagong kaso ng COVID-19 ang Pista ng Itim na Nazareno.
Ani David, wala silang ginawang projection o forecast ng COVID-19 sa event pero puwedeng gamitin ang inilabas na bilang ng Manila Police District na 400,000 deboto na dumagsa sa Quiapo Church.
“Hindi namin ginawan ng projection ‘yan o forecast, kasi… ‘yun nga, sabi mo, 400,000, so possible naman. Puwede tayong mag-project based on that estimate. Pero beforehand hindi namin ginawan ng projection,” sambit ni David.
“Ang nakikita natin tataas pa ito, tapos hindi pa kasama ‘yung epekto nitong [pista] na sinasabi mo, kasi posibleng mas tumaas pa. Sana naman hindi,” dagdag pa niya
“Kung mga one week lang or two weeks tinagal ‘yan, ibig sabihin ‘yan ‘yung mostly backlog lang ‘yan ng holidays. Pero kung more than two weeks na tumataas pa rin ‘yan, possible na effect ‘yan ng [pista],” wika pa ni David.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR