November 24, 2024

OSPITAL NASUNOG, 10 SANGGOL PATAY


PATAY ang sampung sanggol na nasa maternity unit sa isang ospital sa India nitong Sabado.

Ayon kay Pramid Khandate, isang senior doctor, nasagip ng staff ang pitong panganak na sanggol sa Bhandara district hospital subalit nahirapan silang balikan ang sampung iba pa.

“The cause of the fire is not known yet but our staff extinguished the fire as soon as they could. The smoke led to the babies suffocating,” saad ni Khandate.

Napansin ng mga nurse na naka-duty ang sunog na nagmula sa neonatal unit ng ospital at itinaas ang alarma.

Napigilan naman ng mga bombero ang pagkalat ng apoy sa iba pang bahagi ng ospital at nailipat sa ligtas na lugar ang mga pasyente. “Heart-wrenching tragedy in Bhandara, Maharashtra, where we have lost precious young lives,” ayon kay Prime Minister Narendra Modi  sa kanyang Twitter.  Tinawag naman ni Opposition leader Rahul Gandhi na “extremely tragic” ang pagkamatay ng mga sanggol.

Noong Agosto 2020, walong COVID-19 patients naman ang namatay din sa sunog sa ospital ng Ahmedabab. Habang lima ring coronavirus patient ang pumanaw matapos masunog ang isang clinic sa Rajkot noong Nobyembre.