NANINDIGAN ang Department of Health (DOH) at ang Philippine Genome Center (PGC) na wala pang natutukoy o nadi-detect na variant ng SARS-CoV-2 virus sa Pilipinas.
Ginawa ng dalawang ahensiya ang paglilinaw sa gitna nang lumabas na report na nakapasok na sa Pilipinas ang UK variant (B.1.1.7) ng COVID-19.
Ayon sa PGC, walang nakitang UK variant ng covid sa 305 na samples na isinumite sa PGC nge siyam na institusyon.
Ang 305 na samples na pinag-aralan ng PGC ay binubuo ng positive samples mula November hanggang December na mga ipinasok sa mga ospital at mula sa dumarating na traveller na nagpositibo nang dumating sila sa airport ng bansa.
Gayunpaman, patuloy ang mahigpit na koordinasyon ng DOH sa International Health Regulations ng
Hong Kong upang makakuha official notification at iba pang mahahalagang impormasyon patungkol sa isang residente ng Hong Kong na nagpositibo sa UK Variant kasunod nang pagbiyahe sa Pilipinas.
Patuloy din ang panawagan ng DOH sa mga LGU at transport regulators na mahigpit na pairalin ang mga health protocol sa lahat ng lugar at pagkakataon.
Ipinunto ng DOH na mahalagang sundin ang minimum public health standards o MPHS lalo na at ito lamang ang natatanging paraan upang maputol ang transmission o paglipat ng virus.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE