MANILA – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaliban sa dagdag-kontribusyon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para sa mga miyembro nito sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ang kinumpirma ng longtime aide ni Duterte at ngayo’y Senator Christopher “Bong” Go sa isang text message.
“Pinadefer na muna (ni President Duterte ang) increase sa PhilHealth (contribution),” wika ni Go.
Gayunpaman, hindi malinaw kung paano ipagpaliban ni Duterte ang pagpapatupad ng pagtaas ng mga kontribusyon ng miyembro ng Philhealth, na ipinag-utos sa ilalim ng Universal Health Care Act. Ang anumang pagpapaliban o pagbabago sa pagpapatupad ng isang probisyon ng isang batas ay maaaring gawin sa pamamagitan ng isang hiwalay na batas na ipinasa ng Kongreso na nagsasaad ng naturang pagbabago o pagpapaliban. Sa ilang mga kaso, tanging ang Executive Order na nilagdaan ng Pangulo ang maaaring pumigil sa pagpapatupad ng isang batas.
Una nang sinabi ni Go, chair ng Senate committee on health, na handa ang Pangulo na lagdaan ang anumang hakbang kaugnay sa dagdag kontribusyon o ang pagdaragdag ng mas malaking pondo sa Philhealth na binabalot ng kontrobersiya.
Magugunitang nakatakdang magtaas ng 3.5 percent mula sa 3 percent na PhilHealth contributions para matiyak na mayroong sapat na healthcare benefits fund sa 110 milyon na miyembro ng PhilHealth.
Paliwanag ng PhilHealth, mandato ng Universal Health Care Act na taas ang members premiums ng 0.5 kada taon, simula 2021 hanggang umabit sa 5-percent limit sa 2025.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA