November 24, 2024

INA NI DACERA: BINABOY ANG ANAK KO! (Nagpasaklolo kay Duterte upang makamit ang hustisya ng pinatay na flight attendant)

Umapela ng tulong ang ina ng pinatay na flight attendant na si Christine Angelica Dacera kay Pangulong Rodrigo Duterte upang makamit ang hustisya para sa kanyang anak.

Si Christine, 23, ay pinatay sa loob ng isang hotel sa Makati City noong Bagong Taon.

“Tatay Digong, tulungan niyo po kami. Ordinaryo lang po akong tao. Ma’am [Davao Mayor] Sara Duterte, nanay ka rin. May anak ka rin na babae. That is why I want to come out in the open because I don’t want somebody to be a victim again by this kind of brutality, barbaric,” ito ang emosyonal na pahayag ni Sharon Dacera.

“Binaboy niyo ang anak ko. Ayokong may mangyari ulit diyan na isang babae na bababuyin niyo ulit. Kaya lalabanan ko ang laban nitong anak ko,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Sharon na dapat maparusahan ang mga suspek na nasa likod ng panghahalay at pagpatay sa kanyang anak.

“Siyempre ilalaban ko ‘tong anak ko. Mga perpetrators dapat maparusahan, Tatay Digong. Hindi deserve ni Christine iyong brutality na ginawa. Tatay Digong tulungan mo kami. Dapat maparusahan sila,” ayon sa ina ng biktima.

Si Christine, empleyado ng Philippine Airlines Express, ay natagpuang patay sa bathtub ng isang hotel sa Makati City noong Enero 1. Sa insiyal na ulat ng Scene of the Crime Operatives, lumalabas na hinalay ang biktima.

Ayon sa pulisya, na sinampahan na ng kasong rape at homicide ang 11 suspek, kabilang ang tatlo niyang kaibigan, na kasama ni Christime noong New Year’s Eve pary sa hotel.

Hawak na ngayon ng pulisya ang tatlong kaibigan ni Christine.