November 3, 2024

ATTY. JOSE MARTIN LOON, SUBOK NA LEADER SA LAHAT NG PANAHON

SADYANG malaki ang ekspektasyon ng bawat indibidwal sa kanilang lider lalo na sa panahon ng pangangailangan ng tulong  at sa kasagsagan ng krisis.

Kabilang sa mahuhusay at maaasahang pinuno sa anumang panahon ay si COCOLIFE President/CEO Atty. Jose Martin A. Loon- pinakabatang pinagpipitagang humawak ng top post sa kasaysayan ng kompanya.

Nang manalasa ang pandemyang Covid-19 noong unang bahagi ng taong 2020, buong giting si COCOLIFE honcho Atty. Loon  na ipadama at ipamalas ang kanyang pagiging mahusay na lider upang igiya kaagapay ng kanyang pinamumunuan para tulungan ang bayan at malabanan ang salot  na lumikha ng kadiliman sa landas ng mamamayan.

Ang pinakamatinding krisis-mundial na dumapo mula noong ikalawang digmaang pandaigdig ay naglumpo ng husto sa negosyo at ekomomiya ng lahat na apektado nito.

Dahilan sa nasa health at insurance sector ang COCOLIFE ay sadyang mabigat ang naging pasan ni Loon sa kanyang balikat pero  gumagaan ito  sa kanyang mahusay na pamamaraan bilang puno.

“From the very start, the priority has always been the safety.financial security and peace of mind of our people in these uncertain times.We have made huge strides as a company to ensure what our clients and stakeholders will continue to have timely access to our services at time when they need us the most,” pahayag ni Atty. Loon.

Dagdag pa ng top brass ng COCOLIFE ang marubdob na ugnayan sa mga establisadong networks ng mga hospital sa bansa, siniguro ng kompanya ang sapat na financial resources para sa procurement ng mga bagong medical equipments at PPE’s upang suportahan ang kanilang expanded operations.

“Our various initiatives for our clients,employees and the Filipino people through our donations to Covid relief efforts have enable our company to live up to our ideals and to confidently claim that we made our role well- that we have not shriked away from our commitment to our clients and to the Filipino people to be there from then and on their time of need,”ani Loon.

“We continue to believe in the resiliency and ability of the Filipinos to bounce back from seemingly insurmountable odds, in the same way we know that the choices we have made as a company has already set us on the path to recovery.” sambit ni UP college of Law degree holder at bar passer (2014)Atty. Loon na  may Master of Law in National Security at Georgetown University( 2015).

 “COCOLIFE plans to further strengthen its digital servicing even better by establishing efficient customer portals for its policy holders and potential clients. We have already initiated and worked on the needed updates in our care-system and we’ve looking at going full speed with the technological improvements by 2021”, saad pa ni Atty. Loon na bukod sa husay ng kanyang liderato for a cause ay taga-suporta din siya sa larangan ng sining at sports tulad ng Cocolife Volleyball team sa pro volleyball league at Davao Occidental Cocolife Tigers sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)  bago ang pandemya na Inaasahan ding babalik ito sa aksiyon sa inaasam na better normal partikular sa taong 2021.