Kahit patuloy ang COVID-19 pandemic, halos lahat ng mga Filipino ay naniniwalang puno ng pag-asa ang pagpasok ng taong 2021.
Lumitaw sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) na ito ay limang porsyentong mas mababa kumpara sa 96% na naitala noong 2018, at ang pinakamababa noong 2009.
Natuklasan din sa survey na pitong porsyento lang ng mga Pinoy ang papasukin ang Bagong Taon na may mga agam-agam, na tatlng porsyentong mas mataas kumpara sa 4% noong 2019.
Ang nasabi ring survey, na isinagawa noong Nobyembre 21 hanggang 25, ang kauna-unahang face-to-face interview na isinagawa ng SWS mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Maliban dito, sinabi rin ng SWS na 89% sa mga pamilyang itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap ay sasalubungin ang Bagong Taon na may pag-asa.
Malaki rin ang pag-asa sa Bagong Taon ng mga pamilyang “not poor” at “borderline poor.”
Dagdag pa ng SWS, tumaas ang “New Year hope” kung saan pinakamataas sa Mindanao sa 93%; habang bumaba naman sa 92% sa Balance Luzon, 90% sa Metro Manila, at 88% sa Visayas.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY