SADYA namang nakakainit ng ulo kapag sa iyong pagmumuni-muni, abala sa ginagawa , maging sa iyong paglalakad sa kalye pauwi malapit na sa iyong bahay ay bigla kang magugulantang dahil me magpapaputok ng sunud-sunod na firecrackers at pagkatapos ay makikita mong nagtatawanang tumatakbo palayo ang ilang kabataan na kalugar din.
At sa bugso ng iyong galit ay gusto mong habulin at balitiin ang kamay kapag iyong nahuli ang mga batang pasaway.
Marami nang ganitong pangyayari na laganap na naman ang mga paputok sa mga residential areas at ang mga bata ay malayang takbo rito habulan doon (walang mask) na ;di man sinasaway ng mga magulang o hinuhuli at winawarningan ng mga opisyal ng barangay at tanods.
Dati ay sobrang higpit ng mga sundalo at mga pulis sa pagpapatupad ng batas kontra covid -pandemya lalo na iyong mga nasa ECQ , MECQ at GCQ kung saan basta bawal ay di pwede ang drama at pakiusapan.
Napasunod lahat kaya stay home lang ang mga bata st matatanda para maiwasan ang paglaganap ng virus.
Ngayon ay modified ECQ pa rin ang NCR pero di na gaano kahigpit ang nga awtordad o nagsawa na sila sa tigas ng ulo ng ilang kababayan pati mga kabataan.
Kahit saan sa parte ng Manila, Pasay, Kyusi , Caloocan , Malabon, Navotas , Mandaluyong, Makati, Pateros, Parañaque lalo na sa Taguig sa may Upper Bicutan na mistulang pabrika ng mga bata ang nagsisilabasan sa alanganing oras ng gabi , walang facemasks at di na intindi ang curfew dahil di na rin. nanghuhuli ang mga barangay di tulad noon ay mga naka-motorsiklo pa silang rumoronda kaya napakatiwasay ng gabi lalo na noong lockdown.
Ang mga kabataang naglipana ay di lang maiingay ang sigawan at tawanan at ang nakakahayblad na paputok at matindi ay nagra- riot pa sila.
Mas grabe pa sa dati bago pandemic.
Kapag ang mga pasaway na mga batang gala sa disoras ng gabi ay naktyempo ng katulad ng demonyong pulis na walang habas na bumaril- patay ng isang kabataan at ina nito na isa sa dahilan ng galit ay ang paputok na boga, ay baka ganoon din ang mangyaring parang manok lang ang kinakatay.
Lalo na kung walang ginagawa ang mga opisyal ng barangay sa ganitong kapabayaan..
PAGING DILG! Año masasabi nyo?
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE