PANSAMANTALANG ikunustodiya sa crisis center ang isang dalaga matapos makainom ng hindi pa mabatid na likido o inumin sa Roxas City.
Kinilala ang naturang babae sa pangalang Marynel, 19-anyos, ng Barangay Libas sa nasabing siyudad.
Kuwento ng ama ni Marynel, mag-iisang buwan nang tuliro at nagwawala ang kanyang anak magmula ng yayain itong uminom ng kasamahan nito sa trabaho na si Jackelyn Dela Peña.
Dagdag pa nito, hindi na rin nakatutulog ang anak at madalas na naghaha-hallucinate ito.
Negatibo naman ang resulta nang sumailalim sa drug test ang naturang dalaga.
Labis namang nababahala ang mga magulang ni Marynel sa sinapit ng kanilang anak na pinaniniwalaang may nainom na hindi pa matukoy na likido.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA