November 23, 2024

Positibong pagharap sa diwa ng Pasko, mga Cabalen

Magandang araw sa inyo mga Cabalen. Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan.

Ilang tulog na lang, Pasko na. Kumusta ang buhay ng ating mga kababayang payak? Ano kaya ang kahihinatnat ng simpleng Juan De la Cruz?

Batid natrin na dumanas tayo ng matinding pagsubok ngayong taon. Lalo na ang pagsagupa natin sa COVID-19 pandemic.

Bukod pa ang ilang kalamidad gaya ng bagyo, lindol, baha. Isama pa ang sunog. Ilanga raw bago mag-Pasko, may ilan sa ating mga kababayan na sinalanta ng bagyo.

Ito ay ang bagyong Vicky. Ang iba naman ay nasunugan. Hindi ba’t napakalungkot nito, mga Cabalen.

Subalit, sa kabila ng lahat, heto tayo. Nakakatayo. Buhay pa at malakas. Nakagigising pa tayo araw-araw.

Karamihan sa atin ay nakaligtas sa banta ng sakit. Nakararaos sa araw-araw kahit kinakapos. Hindi naman sa material na bagay nasusukat ang pagiging masaya tuwing Pasko.

Ang mahalaga, sama-sama tayo at ang ating pamilya. Anoman ang mapagsaluhan natin, masaya na tayo.

Masarap sa ating paglasa at magaan ang pakiramdam kapag sama-samang nagsasalo-salo. Maging positibo lang tayo mga Cabalen. Para saan ba’t malalampasan natin ito.

Maligayang Pasko, mga Cabalen.