MARAMING nasyon sa buong mundo ang nagsisimulang luwagan ang paghihigpit na ipinatupad nila para sa kaligtasan ng kanilang mga tao magmula nang sumulpot ang COVID-19 bilang banta nitong Marso kasalukuyang taon.
Inihinto na sa lahat ng 50 estado ng United States ang kanilang lockdown, kung saan pinayagan na ang mga tao na magtipon-tipon sa mga pasyalan at beach. Pinanguhan din mismo ni US President Donal Trump ang isang election campaign rally sa Tulsa, Oklahoma, bagaman hindi napuno ang 19,000-seat auditorium hindi tulad sa mga nakaraang pagtitipon ng kanyang malugid na tagasuporta.
Sa Europe, nagtipon ang mga Pranses sa dalawang Distrito ng Paris noong nakaraang Lunes para magsayawan at kantahan bilang pagdiriwang ng annual midsummer Festival of Music – Fete dela Musique – na tradisyunal na ipinagdiriwang sa lahat ng bansa. Noong araw ding iyon, nagkaroon ng malaking hakbang ang France para sa dating normal nang bumalik ang milyong kabataan sa kanilang paaralan. Sa England, inanunsiyo ng mga sinehan, museo at mga tanghalan na muling buksan noong Hulyo 4.
Gayunpaman, marami pa ring nasyon sa mundo ay mas pinili na manatili ang mga paghihigpit. Inanunsiyo ng Saudi Arabia na limitado lamang ang bilang ng pilgrims para sa taunang hajj na kung na karaniwang nilalahukan ng 2.5 na milyon ng pilgrims mula sa buong mundo, kabilang na ang Pilipinas.
Ito ngayon ang mundo – magkahalo ang kumpiyansa sa sarili at pag-asa sa ilang bansa habang nagpapatuloy pa rin ang panganib at kawalan ng pag-asa sa iba pang bansa. Patuloy ang mga dalubhasa sa buong mundo na makasaliksik ng bakuna at gamot, at inaasahan na ngayong taon ay handa na ang vaccine para mapatay na ang nasabing virus.
Sa nasabing pagtitipon sa US at France, karamihan ng mga tao na naroon ay walang suot na face mask. Marami sa mga nakapanood sa mga crowd ng Paris ang nangamba at ipinarating sa social media ang boses ng kanilang takot dahil sa panganib ng second wave ng COVID-19 infections.
Sa Pilipinas ay maingat na pinamamahalan ang sarili nitong COVID-19 cases, niluluwagan ang mga paghihigpit sa mga lugar na bumaba ang kaso. Sa pangkahalatan, bumaba na ang kaso maliban sa Cebu City kung saan nanatili pa rin ang matinding paghigigpit.
Sila na ngayon ang nangunguna sa dami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ang pagkalat ng virus ay nakadepende sa tao mismo – kung susunod sila s autos na mag-suot ng face mask, magkaroon ng isang metrong distansiya at panatilihin ang pinakamataas na antas ng kalinisan. Dito sa Metro Manila, ang lahat ng nasa kalye ay nakasuot ng face mask.
Huwag na tayong tumulad sa iba na nagsasayang ng pagkakataon para malabanan itong salot na virus na matagal na nating pinagdurusahan. Nasa ating mismong mga kamay ang kapalaran ng ating bansa.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo