November 3, 2024

Kai Sotto, nag-launched ng kanyang sariling apparel brand na ‘Kaiju’

Para sa bayan at pamilya. Ito ang major factors na kinonsidera ni basketball prodigy Kai Sotto. Ito ang bisyon niya sa launching ng kanyang sariling apparel brand na ‘Kaiju’.

 “These are very important to me and are a reflection of my values, my family and my journey to the NBA,” saad ni Sotto sa Instagram.

Ang Japanese term na “Kaiju” ay tumutukoy sa “strange creature” o “strange beast”. Na nais i-apply mismo sa sarili niya bilang  basketball player.

Ang logo naman ay isang collapsed version ng Kaiju icon. Na sumasagisag sa “Mind, Heart, and Foundation” of a Kaiju.

Ang three characters ay tumutukoy din sa spelling ng kanyang pangalang  K-A-I. Habang ang arrow pointing upward ay sumasagisag sa  “resilience”. Ang “pathway” naman ang siyang gusto niyang tahakin.

Ang 18-anyos na future basketball star ay nag-launched  ng 3 designs ng kanyang clothing. Ito ay ang Kaiju Logo, Kaiju Work, at Kaiju Family.