Welcome sa Bureau of Immigration ang panukala sa paggamit ng COVID-19 passport para sa international travelers dahil maari itong makapagpabilis sa immigration processing sa paliparan at makatulong ba buhayin ang turismo at travel industry sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na suportado ng ahensiya ang paglika ng global COVID-19 passport, na ayon sa Department of Tourism (DOT), maakakatulong ito para mahikayat ang mas maraming turista na bumisita sa bansa.
Ani Morente, sa kasalukuyang proseso kung saan required ang mga international travelers na magpa-swab test muna ay maaring magdulot ng problema sa BI habang unti-unting binubuksan ang border ng bansa sa mga dayuhan at turista.
“The anticipated influx of more international travelers could result in longer queues and overcrowding in our immigration counters as all of these passengers should be tested at the airport before they are allowed to enter the country,” ayon kay Morente.
Sinabi ni Morente na gamit ang COVID-19 passport maaring nakalagay na na ang biyahero ay nabakunahan na at virus free.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE