November 24, 2024

LGU ‘DI MANGMANG PARA KUMAMPI SA KOMUNISTA (Buwelta ni Año sa CPP)

Binatikos ni Interior Secretary Eduardo Año ang Communist Party of the Philippines dahil sa alegasyon ng mga ito na pinilit ang mga local government units na ideklara ang CPP, New People’s Army, at National Democratic Front bilang persona non grata.

Buwelta ni Año, hindi manhid, o madidiktahan, o mangmang ang mga LGUs para kumampi sa mga komunista.

Ayon sa kalihim, ang pagpapalutang ng CPP na pinuwersa ang mga LGUs para ideklarang “unwanted persons” ang mga communist rebels ay banta na maipit ang kanilang pondo.

Dagdag ng opisyal, batid ng mga lokal na pamahalaan ang ginagawa ng mga NPA gaya ng harassment at extortion activities sa mga negosyo at pagsalakay sa government forces na nagdulot sa pagkasawi ng nasa 40,000 nang mga police, military, at civilians sa kanilang 50-taon nang paghahasik ng karahasan.

Matatandaan na inanunsyo ng DILG na nasa 1,546 LGUs nationwide ang nagdeklara sa CPP-NPA-NDF bilang persona non grata sa kanilang mga lokalidad.