KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na naaresto ang isa umanong American pedophile na wanted sa sex crime sa US.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Donald Robert Tyler, 57, na naaresto sa bahay nito sa Bgy. San Roque, Ginatilan, Cebu ng pinagsanib na puwersa ng fugitive search unit (FSU) ng BI at National Bureau of Investigation (NBI).
Bitbit ng mga arresting agents ang inisyu na mission order ni Morente kasunod ng kahilingan ng American authorities sa Maynila.
Ayon kay BI FSU Chief Bobby Raquepo, inilabas ng circuit Court sa Josephine County, Oregon noong November 4, 2019 ang arrest warrant laban kay Tyler.
Sinabi ng ahensya na isang retiree ang dayuhan ngunit ikinokonsidera na bilang undocumented alien matapos kanselahin ang kaniyang pasaporte.
Sa ngayon, nakakulong ang dayuhan sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang hinihintay ang deportation nito.
Dagdag ni Morente, mapapabilang din si Tyler sa blacklist at hindi na maaaring makabalik ng bansa.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY