Timbog sa mga operatiba ng Malabon Police SDEU si Eyahn Galverio, 31, Rosylynjoy Luching, 21, at Edna Arevalo, 24, matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu at isang baril na may anim na bala sa buy-bust operation sa loob ng isang Gray Honda City (VVA 384) na nakaparada sa harap ng Tugatog National High School sa Dr. Lascano corner P. Concepcion St. Brgy. Tugatog, Malabon city. (RIC ROLDAN)
Bagsak sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot matapos makuhanan ng baril at ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Eyahn Galverio, 31, Rosylynjoy Luching, 21, at Edna Arevalo, 24, pawang residente ng Caloocan city.
Sa imbestigasyon ni PSSg Kenneth Geronimo, dakong 6 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Julius Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni Col. Rejano sa loob ng isang Gray Honda City (VVA 384) na nakaparada sa harap ng Tugatog National High School sa Dr. Lascano corner P. Concepcion St. Brgy. Tugatog.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 28.80 gramo ng shabu na tinatayang nasa P195,840 ang halaga, buy-bust money, gray honda city na ginagamit umano sa kanilang ilegal na aktibidad at isang cal. 45 baril na may magazine at kargado ng anim na bala na narekober kay Galverio.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY